8 sundalong nasawi sa engkwentro sa Basilan at Sulu, ginawaran

376

Ginawaran ng order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walong sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan at Sulu.

Tinanggap ng pamilya nina Technical Sgt. Alberto Garde, Staff Sgt. Jayson Sawit, Staff Sgt. Aldam Baginda, Staff Sgt. Kasir Riban, Cpl. Nelson Vidal at private first class Jake Ameglio ang parangal.


Ang mga nabanggit na sundalo ay nasawi noong Nobyembre 8, 2017 sa Sumisip, Basilan.

Samantala, pinarangalan din sina sina Pfc. Emie Pumicpic and Pfc. Benhar Ahajul na nasawi sa pakikipaglaban sa bandidong Abu Sayyaf sa Sulu noong Agosto a-siyete 2016.

Nangako ang chief executive na susuportahan ang pamilya ng mga nasawing sundalo maging ang educational needs ng kanilang naulilang mga anak.

Ang Order of Lapu-Lapu ay iginagawad sa sinumang nagpamalas ng hindi matatawarang serbisyo sa pagsusulong ng adbokasiya ng Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers