8 suspek sa pagpatay sa negosyanteng Koreano sa Valenzuela City, arestado!

345

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang walong suspek sa pagpatay sa isang koreanong negosyanteng si Nam Sunuk noong Pebrero 13 sa Valenzuela City.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas ang mga arestadong suspek ay sina: Kimberly Radores, Rica Estrella, Rusty Hernadez Cruz, Josephine Pidlaoan Nape, Leana Marie Nagaño alyas “Yana”, Bryan Saga Gulfo, Bryan Remlona Escamillas, at isang pulis na si Police Corporal Darwin Garcia Castillo.


Sinabi ni PNP Chief, idinetalye nina Radores, Estrella at Castillo ang kanilang nalalaman tungkol sa krimen sa isang extra-judicial confession kasama ang kanilang mga abogado.

Batay sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) Nam Sunuk, sina Gulfo at Escamillas ang “hitmen”.

Sila ang bumaril at nakapatay sa biktima habang sakay ito sa isang Hyundai Tucson SUV noong gabi ng February 13, 2021 sa kahabaan ng Padrigal Extension, Maysan, Valenzuela City, habang nakasunod sa back-up car si Castillo.

Nakuha ng mga imbestigador ang baril at Honda Civic na ginamit umano sa krimen.




Habang ang ibang mga suspek ay nagsilbi umanong “facilitator” sa paghahanap ng mga “hitmen”.

Iniharap na ang walong suspek sa state prosecutors ngayong araw para sampahan ng kasong murder.

Facebook Comments