PCG, tumatanggap na rin ng mga donasyon para sa mga naapektuhan ng flash flood sa Mindanao

44
Photo Courtesy: DPWH-Caraga

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na tumatanggap na rin sila ng donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Auring sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Ayon sa PCG, kabilang sa mga maaaring i-donate ay food packs, purified drinking water, hygiene kits/toiletries, tents at sleeping kits at alcohol.


Ang mga donasyon ay isasakay sa BRP Gabriela Silang ng PCG na bukas patungong Surigao.

Ang mga donasyon ay maaari i-drop sa national headquarters ng PCG sa Port Area sa Maynila ngayong araw.

Facebook Comments