8 tao, sugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Southern Leyte

Leyte – Hindi bababa sa labing walo katao ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang multicab sa Barangay Soro-Soro, Maasin City, Southern Leyte.

Ayon kay Supt. Alex Dang-Aoen, hepe ng Maasin Police, patungo ang multicab sa city proper mula sa Barangay Hanginan kung saan dumalo sa isang pilgrimage ang mga pasahero.

Nagtulong-tulong naman ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council Team, Maasin City Emergency Rescue Team, Bureau of Fire Protection at Philippine National Red Cross sa pag-rescue sa driver ng multicab na si Demetrio Villegas Jr., at ang kanyang labing pitong pasahero.


Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay mga residente ng Ormoc City na kumuha sa serbisyo ni Villegas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lumabas na nawalan ng kontrol si Villegas sa sasakyan nang masira ang preno nito habang nasa pababang kalsada.

Facebook Comments