Ginamit na baril ng 6 na presong tumakas sa Laguna Provincial Jail, inaalam pa kung paano naipasok sa kulungan

Laguna – Inaalam pa ng mga otoridad kung paano naipuslit sa loob ng Laguna Provincial Jail ang baril na ginamit ng anim na bilanggo na nakapuga sa naturang kulungan kaninang umaga.

Naniniwala ang pulisya na posibleng matagal nang pinagplanuhan ang pagtakas ng mga bilanggo dahil una na umanong nakita ang mga ito na nagpupulong bago pa ang pangyayari.

Sa kuha ng CCTV camera sa loob ng provincial jail, lumalabas na nabigla ang mga jail guards ng tutukan ang mga ito ng patalim at baril ng mga bilanggo.


Iniimbestigahan pa rin kung mayroong posibleng pagkukulang ang pamunuan ng provincial jail pagdating sa seguridad nito.

Sa ngayon, nananatiling naka-lockdown ang buong provincial jail habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga otoridad upang madakip ang nakatakas na bilanggo.

Facebook Comments