80 doses ng Bakuna na binli ng PLGU Quirino, Target dumating sa Month of July

Cauayan City, Isabela- Inaasahang darating sa buwan ng Hulyo ang nasa 80,000 doses ng bakuna na binili ng Provincial Government ng Quirino.

Ayon kay Governor Dakila Carlo Cua, kung sakali man na dumating sa takdang buwan ay posible umanong magamit ito ng mga LGU workers, tricycle operators, tindero sa mga palengke, mga barangay officials/frontliners at mga kabilang sa mahihirap na grupo.

Sa pagkakataong ito, maaaring tapos ng nabakunahan ang mga unang prayoridad gaya ng mga healthcare workers at senior citizen bago pa man dumating ang biniling bakuna.


Kabilang naman ang lalawigan sa mga inaasahang makatatanggap ng bakuna mula sa Pfizer at Moderna na binili ng National Government at napipintong dumating sa unang linggo ng Hunyo.

Samantala, nasa 217 nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office.

Facebook Comments