80 mga manggagawa na nakita ng mga sundalong natutulog sa kalsada dahil estranded dulot ng community quarantine kinupkop muna ng militar

Nanatili ngayon  sa Camp Elias Angeles sa Pili, Camarines Sur ang 80 mga obrero na stranded dulot ng umiira na enhanced community quarantine.

Ayon kay Major General Fernando Trinidad, Commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nakita ng kanilang mga tauhan ang mga manggagawa na karamihan ay nga construction worker, na natutulog sa kalsada.

Galing sila ng NCR at nakarating sa Del Gallego, Camarines Sur at tatawid sana sila ng dagat pero wala nang masakyan.


32 sa kanila ang uuwi sana ng Masbate, 32 ang taga-Surigao, habang 16 ang taga-General Santos City.

Sa Division Training School ng kampo muna sila mananatili hanggang matapos ang community quarantine.

Sasagutin muna ng Philippine Army ang kanilang pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan.

Facebook Comments