2 pang pasyente ng COVID-19 sa Marikina City, nasawi batay sa tala kahapon ng CHO

109

Pumanaw na ang dalawang pasyente ng Marikina City na tinamaan Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Batay sa tala kahapon ng City health office ng Marikina City, nasa apat na ang nasawing pasyente na apektado ng nasabing virus.


Naalarma naman ang lungsod dahil walo ang naidagdaga na bilang ng kaso ng COVID-19, kung saan mula sa 12, umabot na ito ng 21 base sa pinakabagong tala kahapon.

Kaya naman panawagan muli ng pamahalaan lokal ng nasabing lungsod na Manatili lamang sa loob ng bahay, gawin ang one-meter social distancing at Palagiang maghugas ng kamay.

Paalala di nila na iwasan muna na hawakan ang mukha, mata, ilong, at bibig.

Kapag may ubo o sipon ay magsuot ng face mask at Takpan ang bibig at Ilong sa tuwing uubo at bahaging.




Facebook Comments