80% NA REHISTRADONG BOTANTE PARA SA HALALAN NGAYONG TAON SA DAGUPAN CITY, BINUBUO NG KABATAAN

Tinatayang aabot sa 138,721 na rehistradong residente ang inaasahang boboto sa darating na May 9 National and Local Election 2022 sa lungsod ng Dagupan, kung saan ito ang may pinakamataas na bilang ng mga botante sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinabi ni City Election Officer Michael Franks Sarmiento na mula sa 119,000 na botante noong 2019, ang bilang ay umakyat na sa 138,721 para sa halalan ngayong taon.
Ang pagtaas sa bilang ng mga rehistradong miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa nakalipas na tatlong taon at kwalipikadong maging regular na mga botante.

Dagdag pa nito na walumpung porsyento (80%) ng mga rehistradong botante ay mga kabataan.
Sinabi pa ni Sarmiento na ang kapansin-pansing pagtaas ng bilang ng mga botante ay dahil na rin sa estratehiyang ipinatupad ng tanggapan noong 2019 na satellite registrations sa mga paaralan na kung saan tinarget ng mga ito ang mga kabataan na siniguro na mapupuntahan ang lahat ng paaralan.

Kabilang sa iba pang lokalidad sa lalawigan na may mataas na bilang ng mga rehistradong botante ay ang San Carlos City na mayroong 126,283 na botante, Urdaneta City na may  95,971, Malasiqui na may 85,815, 83,083 na botante sa bayan ng Bayambang, Lingayen na may 72,144, Mangaldan – 67,912, Calasiao – 66,126, Binmaley – 63,908, at Alaminos City na may 62,546.

Samantala, iginiit ng Comelec na hindi kinakailangan sa Lunes ang mga face shield, vaccination card, at COVID-19 tests. | ifmnews
Facebook Comments