80 New COVID-19 Cases sa Isang Araw, Naitala sa Buong Lambak ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Naitala kahapon, Disyembre 15, 2020 ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 80 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mayroon namang naitalang 41 na gumaling sa virus at walang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon dos, umaabot na sa 597 o 13.22% ang aktibong kaso, 3,849 o 85.23% na ang gumaling, at pitumpu (70) o 1.5% na ang namatay.


Facebook Comments