Halos 2,000 pang Pinoy repatriates na humahabol sa holiday season, dadating sa bansa ngayong araw

Siyam na araw bago ang Pasko,1,950 pang Filipino repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw

Karamihan pa rin sa OFWs na nag-uuwian ngayon matapos nawalan ng trabaho bunga ng COVID-19 pandemic ay mula sa Middle East.

Kaninang umaga, 300 repatriates mula Saudi Arabia ang dumating sakay ng Philippine Airlines flight PR655.


300 OFWs din mula Saudi Arabia ang dadating mamayang alas-12:00 ng hapon via Saudia Airlines flight SV862.

250 Pinoy repatriates din mula Abu Dhabi via Etihad Airlines flight EY424 ang dadating ng 2 pm.

250 OFWs din mula Qatar via Qatar Airways flight QR932 ang dadating ng pasado 4 pm.

250 repatriates din mula Dubai via Cebu Pacific flight 5J19 ang dadating mamayang bago mag-alas-5:00 ng hapon.

Habang ang 300 repatriates mula Thailand via Philippine Airlines flight PR731 ang dadating ng 6 pm.

Ang huling batch na 300 OFWs mula Saudi Arabia via Saudia Airlines flight SV862 ang dadating ng 9 pm.

Facebook Comments