Umaasa ang apat sa limang Pilipino na nalapagasan ng ng bansa ang pinakamalalang sitwasyon ng COVID-19 pandemic base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong December 2021.
Ayon sa SWS, lumalabas na tumaas sa 80% ang hopeful rate noong December 2021 mula sa 38% na naitala noong September 2021.
Nalapagsan din nito ang record na 69% hopefulness rate noong November 2020.
Lumalabas din sa SWS survey na bumaba ang nangangamba na may mas malala pang mararanasan ang bansa sa 19% nonng December 2021 mula sa 60% na naitala noong September 2021.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 Pilipino noong Disyembre 12 hanggang 16, 2021 kung saan nakakapagtala pa ang bansa ng daan-daang kaso ng COVID-19 kada araw.
Facebook Comments