Star City, ipinagpaliban muna ang muling pagbubukas nito sa January 14 dahil sa COVID-19

52

Ipinagpaliban muna ng pamunuan ng Star City ang napipinto nitong reopening sa January 14, 2022 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base ito sa kanilang anunsyo sa Facebook kung saan humingi ito ng pasensya sa mga na-excite sa muling pagbubukas ng amusement park.

Ayon sa Star City, prayoridad nila ang kalusugan at kaligtas ng kanilang mga empleyado at maging ng mga guest nito.


Siniguro naman ng pamunuan ng amusement park na itutuloy nila ang pagbubukas nito kapag bumuti na ang sitwasyon ng bansa.

Matatandaang isinara ang Star City noong 2019 matapos itong matupok ng apoy.

Facebook Comments