80% ng mga senior citizen, walang mandatory pension – BSP

Mayorya ng mga senior citizens ang walang pension o retirement fund.

Sa datos ng Philippines Statistics Authority (PSA) na ang Pilipinas ay mayroong 7.6 million Filipinos na may edad 60 years old pataas.

Sa virtual launch ng digital Personal Equity Retirement Account (PERA), sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na nasa 20% lamang ang sakop ng Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS) at 80% ng senior citizens ay walang mandatory pension.


Sinabi ni Diokno na ang retirees na sakop ng state-sponsored retirement systems ay nakatatanggap ng average monthly pension na nasa ₱5,123 para sa SSS at ₱18,525 para sa GSIS.

Para matugunan ang isyung maraming Pilipino ang walang pension o retirement fund, ang Republic Act No. 9505 o PERA law ay naisabatas para magbigay ng tax benefits habang itinuturo ang displina sa pag-iimpok ng pera sa pamamagitan ng annual contributions sa kanilang account.

Ang mga security benefit ay kinabibilangan ng survivorship pensions, sickness, disability, death at iba pang related allowances o benefits.

Nabatid na naantala ang pagpapatupad ng batas dahil sa taxation at regulatory issues.

Facebook Comments