80% ng modules, naipamahagi na sa mga estudyante – DepEd

Nasa higit 533 million self-learning modules (SLM) ang naipamahagi ng Department of Education (DepEd) sa mga estudyante bago ang pagsisimula ng klase sa October 5.

Ayon kay Education Undersecretary for Field Operations Revsee Escobedo, aabot na sa higit 667 million 1st Quarter SLMs ang naimprenta mula nitong September 27.

Nasa 79.86% ng mga naimprentang SLMs ay natanggap na ng mga paaralan.


Ang mga datos na ito ay mula sa Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, Caraga, National Capital Region, Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Escobedo na nagkaroon ng matibay na partnership at cooperation ang school division offices sa mga Local Government Unit (LGU), iba pang executive departments at private entities.

Bukod sa pag-iimprenta at pamamahagi ng modules, nagkakaroon na rin ng progreso sa online distance learning o developed online materials o modules, radio at television-based instructions at partnerships at training para sa distance learning kabilang ang mga guro at magulang at ang pagsunod sa health at safety protocols.

Facebook Comments