80% ng populasyon ng NCR, target makumpleto sa bakuna sa kalagitnaan ng Oktubre; 1-M doses ng single-shot Sputnik Light vaccines, darating sa bansa ngayong buwan

Umabot na sa 14 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, 8 million o 86% ng nasabing populasyon ang nakatanggap na ng unang dose habang 6.2 million o 63% ang fully vaccinated.

Umaasa si Abalos na pagsapit ng October 16 ay nasa 7.7 million na o 80% ng kabuuang populasyon ng NCR ang kumpleto na sa bakuna.


Samantala, ngayong weekend o sa susunod na linggo, inaasahang darating sa bansa ang nasa 190,000 doses ng Sputnik V vaccine mula Russia.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., gagamitin ito para sa second dose inoculation na susundan ng pagdating ng isang milyong doses ng single-shot Sputnik Light vaccine ngayon Setyembre.

Bukod dito, nasa 2.58 million doses pa ng bakuna ang ide-deliver ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Facebook Comments