80% ng populasyon sa NCR, nabakunahan na laban sa COVID-19

32

Umaabot na sa 80% ng populasyon sa National Capital Region ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ito ay lagpas na sa 50 hanggang 70 percent na target na mabakunahan sa NCR.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nasa 18 hanggang 30 percent naman ng target population ang fully vaccinated na sa mga lalawigan.


Sa kabuuan, umabot na sa 24,498,753 o 31.76 percent mula sa target na 77 million ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments