Pagbibigay ng booster shots sa mga manggagawa, inihirit ng pribadong sektor

47

Umapela sa pamalaan ang ilang pribadong sektor na payagan na silang makapagbigay ng booster shots sa kanilang mga empleyado.

Ito ay kasunod ng kanilang pangambang baka masayang lang ang COVID-19 vaccine na kanilang binili.

Ayon sa grupo, dapat ay hayaan silang makapagbakuna rin ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 at mabigyan ng boosters shot ang kanilang mga empleyado.


Anila, dapat ding magkaroon ng vaccine incentives ang mga fully vaccinated at luwagan pa ang pagtanggap sa kanila sa mga kainan, gym, tourism establishments at iba pa.

Maliban dito, nanawagan din ang grupo sa pamahalaan ng mabilis na pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila at masigurong maipatutupad ang mga polisiya sa open vaccination ng general population.

Facebook Comments