80% payout para sa 2nd tranche ng SAP, target maibigay ng DSWD ngayong buwan

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maipamigay na bago matapos ang Hulyo ang 80 porsyento ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang projection nila ay sa katapusan ng Hulyo ay makakamit na ang 80% ng payout at ang natitirang 20% ay isasailalim sa cross checking.

Inihayag ni Bautista na hawak na nila ang pondo para sa ikalawang bugso ng ayuda ng gobyerno, pero hindi pa naipamimigay sa lahat dahil nasa proseso pa sila ng double checking ng mga kwalipikado.


Sa ngayon ay nasa P6.88 billion na ang na-disburse ng DSWD sa 1.3 million pamilya para sa 2nd tranche ng SAP.

Facebook Comments