Guro, arestado matapos ireklamo ng pakikipagtalik sa estudyante

1079

NEW JERSEY, US – Arestado ang isang high school gym teacher matapos ireklamo ng pakikipagtalik sa isang estudyante.

Inanunsyo ng the Burlington County Prosecutor’s Office na sinampahan ang 43-anyos na health and physical education teacher na si Gary Jiampetti noong Huwebes sa Rancosas Valley Regional High School dahil sa maling pangangasiwa nito sa mag-aaral.


Sinasabing mayroong napagkasunduang sexual relationship si Jiampetti sa isang babaeng estudyante noong SY 2019-2020.

Ang naturang mag-aaral na hindi na umano isang menor de edad ay nakapagtapos na sa sekondarya.

Ayon sa report, nagkaroon ng imbestigasyon laban dito nang makatanggap ang pulisya ng balita sa umano’y pagkakasangkot ng guro sa “inappropriate behavior” sa mga babaeng estudyante.

Hindi naman naglabas ng iba pang detalye sa nasabing alegasyon bilang pag-iingat sa pagkakakilanlan ng biktima.

Samantala, inihayag naman ng eskwelahan na hindi na umano maaring tumapak sa kanila si Jiampetti at sa kahit anong kaganapan dito.




Haharap naman sa korte ang guro sa darating na Biyernes ayon sa Philadelphia Inquirer.

Facebook Comments