Target ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na mabakunahan ang 80 hanggang 90 porsyento ng 110 million eligible population sa bansa bago ang 2022 elections.
Ayon kay NTF at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., itinaas nila ang kanilang naunang target na 70 percent o 77 million sa 80 hanggang 90 percent o 88 million hanggang 99 million dahil sa banta ng Delta variant.
Aniya, layon din nito na maabot ng bansa ang population protection at herd immunity gaya ng nangyari sa Singapore at Israel.
Sabi pa ni Galvez, ang updated vaccination plan ay ipepresenta sa Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa kanilang approval.
Facebook Comments