Tuesday, March 17, 2026

80 WANTED PERSONS, ARESTADO SA PINAIGTING NA MANHUNT OPERATIONS SA ILOCOS REGION

Umabot sa 80 wanted persons ang naaresto ng pulisya sa isinagawang pinaigting na manhunt operations sa buong Ilocos Region mula Marso 8 hanggang 14, 2026.

Ayon sa ulat mula sa Police Regional Office 1 (PRO1), kabilang sa mga naaresto ang 15 na nasa listahan ng Most Wanted Persons sa antas ng munisipyo, habang 65 naman ang kabilang sa Other Wanted Persons.

Ipinahayag ng mga awtoridad na bunga ang nasabing tagumpay ng patuloy na pangangalap ng impormasyon, mas pinaigting na tracking operations, at maayos na koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa rehiyon.

Ayon kay PBGEN Dindo R. Reyes, sumasalamin ang nasabing accomplishment sa patuloy na pagpapatupad ng direktiba ng PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. upang palakasin ang operasyon ng kapulisan at tiyakin ang pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa ng pulisya, ang nasabing operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments