Umabot na sa 1,196 ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nabakunahan ng Sinovac.
Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration at ASCOTF Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.
Batay aniya sa datos nitong March 7, may dalawang PNP personnel ang nagparehistro at panibagong nabakunahan kaya umabot na sa 1,196 ang vaccinated na PNP personnel.
Dahil dito, nakumpleto na ng PNP na naiturok sa mga nagparehistrong pulis ang 800 doses ng Sinovac vaccine na kanilang natanggap.
Batay sa datos ng PNP-ASCOTF, may 1,347 na pulis na nagparehistro para magbakuna, 151 dito ay umatras matapos sumailalim sa medical screening habang 1,196 na pulis nabakunahan.
Sa ngayon, naghihintay na ulit ang PNP nang panibagong supply ng bakuna para sa kanilang mga tauhan.