Lalaking nanggulo sa bahay ng dating live-in partner sa Parañaque, arestado

Arestado ng Parañaque City Police ang isang lalaking sinasabing dating live-in partner ng ina ng isang female showbiz personality.

Ang suspek na si Baldwin Brent Cruto Co, residente ng Ayala Alabang, Muntinlupa City ay inaresto matapos itong manggulo sa bahay ng kanyang dating live-in partner sa Brgy. BF Homes sa Parañaque.

Mismong si April Sazon Ihata ang humingi ng saklolo sa mga barangay tanod matapos na manggulo sa kaniyang tahanan ang suspek.


Sa pagresponde ng mga awtoridad, napansin ng mga ito na may naka-umbok sa bag ng suspek.

Nang pabuksan nila ito, natuklasan ang dala ni Co na caliber .45 pistol na may dalawang magazines at limang bala gayundin ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Si Co ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Facebook Comments