800 OFWs na naapektuhan ng flashflood sa UAE, nahatiran na ng tulong ng MWO-Abu Dhabi

Dinalhan na ng tulong ng Migrant Workers Office (MWO) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) ang 800 Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Ang naturang mga Pinoy ay mula sa Al Touba district, Al Ain na kabilang sa remote areas na malubhang naapektuhan ng flashflood.

Sila ay binigyan ng mga pagkain at relief packs ng Migrant Workers.


Patuloy rin na tinututukan ng MWO Dubai at Abu Dhabi ang kanilang sitwasyon.

Facebook Comments