8,000 arrivals, naitala kahapon ng BI

Nasa 8,000 pasahero ang dumating sa bansa kahapon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Krizia Sandoval na 27% hanggang 30% ng mga ito ay foreign tourists.

Bukas na kasing muli ang bansa sa pagtanggap ng mga dayuhan ito man ay para sa business o travel purposes.


Ani Sandoval, inaasahang unti-unting tataas ang bilang ng mga dayuhang papasok sa bansa sa mga susunod pang mga araw.

Aniya, bago matapos ang Pebrero, nasa 10,000 hanggang 12,000 mga turista ang bibisita sa bansa.

Kasunod nito, mahigpit ang pag-iinspeksyon ng ahensya sa mga papasok na banyaga kinakailangang sila ay fully vaccinated at dapat sumunod sa health at safety protocols.

Facebook Comments