MMDA, nagbabala sa mga motorista na dadaan sa Taguig sa Linggo

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Taguig City sa darating na Linggo.

Kaugnay ito ng isasagawang political party motorcade sa Linggo mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-10 ng umaga.

Magsisimula ang motorcade sa Bantayan Road, patungong Taguig City Hall hanggang Brgy. Ususan.


Dadaan din ang motorcade sa bahagi ng Pateros at C5 sa Pembo area sa Makati City.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na umiwas sa naturang mga lugar at dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments