Tinatayang nasa 8,000 mga mag-aaral ng Signal Village National High School sa Taguig City ang lumahok sa unang araw ng face-to-face classes.
Ayon sa Taguig Local Government Unit (LGU), alas-5 pa lang ng umaga ay nakapila na sa labas ng paaralan hanggang sa loob ng campus.
Paliwanag ng LGU nagkaroon ng kakunting programa ang pamunuan ng Signal Village National High School kung saan nagkaroon ng mga palabas ang ilang estudyante ng kanilang talento sa pagsayaw bago sila papasok sa kanila kanilang mga silid aralan.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na sundin ng mga mag-aaral ang health and safety protocols sa unang araw ng pasukan ng klase sa lungsod.
Paliwanag ng alcalde, ang blended learning ay magtatapos sa November 1 kaya inaasahan na November 2 ay inaasahan ang 100% na ang face-to-face classes sa mga public school sa Taguig.
Binigyang diin ni Mayor Cayetano na mahalaga na suportahan ang hakbangin ng Department of Education (DepEd) sa isisulong na face-to-face classes kung saan higit dalawang taon na umaasa ang mga mag-aaral sa blended learning education.
Mahigpit din ang seguridad ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa bisinidad ng Signal Village National High School sa lungsod ng Taguig.