Senador, hiniling kay PBBM na madaliin na ang pagtatalaga ng kalihim sa Department of Agriculture

871

Umapela si opposition Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., na magtalaga na ng kalihim para sa Kagawaran ng Agrikultura sa lalong madaling panahon.

Si PBBM ang tumatayo ngayong Secretary ng Department of Agriculture o DA.

Para kay Hontiveros, dapat na may kalihim na nakatutok sa ahensya sa gitna na rin ng mga nakaambang krisis sa asukal at iba pang agricultural products gayundin sa usapin ng problema sa agrikultura.


Habang kalihim aniya ang pangulo ng DA ay nahahati ito sa dami rin ng pinagkakaabalahan bilang pinuno ng maraming tanggapan at Commander in Chief pa ng Hukbong Sandatahan ng bansa.

Nagdudulot din aniya ng kalituhan at kaguluhan sa burukrasya sa pagtayo ng pangulo bilang kalihim ng ahensya.

Facebook Comments