8,000 stranded OFWs sa Metro Manila, ayaw pa ring umuwi sa kanilang mga probinsya – OWWA

Tumangging umuwi sa kanilang mga probinsya ang karamihan sa 8,000 stranded aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang mga nasabing OFW ay nakatakda sanang umalis ng bansa pero naabutan sila ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, inabandona ang mga ito ng kanilang manning agencies, hindi nakasampa ng barko o mayroong kontrata mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).


Sinabi ni Cacdac na inaabutan nila ng pagkain ang mga stranded OFW.

Aabot na sa 80 milyong piso ang nagastos ng OWWA sa pamamahagi ng pagkain sa mga stranded OFWs mula nitong March 15.

Sinasagot din ng OWWA ang accommodation ng nasa 1,000 seafarers na stranded rin sa Metro Manila.

Facebook Comments