Nasa 80,000 pulis ang ipapakalat sa buong bansa para tiyakin ang seguridad ng publiko sa Semana Santa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde, kasama sa nasabing bilang ang mga “tourist police” na magbabantay din sa seguridad ng mga turistang magbabakasyon sa bansa.
Ilang rehiyon na kabilang na rin ang Metro Manila ang isinailalim sa heightened alert status dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Albayalde ang mga bakasyunista na ingatan ang kanilang mga personal na gamit para hindi mabiktima ng mga mananamantala.
Matatandaang, bago pa man sumapit ang holy week ay ipinatupad na ng pnp ang oplan ligtas SUMVAC para bantayan ang mga lugar na dinarayo ng mga local at foreign tourist.