Stranded ang aabot sa 80,000 turista sa Sanya, China matapos magpatupad ang mga otoridad ng lockdown dahil sa COVID-19 outbreak doon.
Ayon sa mga otoridad, sinuspinde ang pampublikong transportasyon at maging ang paggalaw ng tao sa loob ng lungsod simula noong Sabado ng umaga.
Sinuspinde rin ang karamihan ng flights paalis ng Sanya maging ang pag-alis ng mga tren mula sa lungsod.
Dahil dito, kailangang manatili ng mga stranded na turista sa lungsod ng pitong araw at magnegatibo sa limang COVID-19 test bago papayagang makalabas ng siyudad.
Mag-aalok naman ng 50% discount ang mga hotels sa Sanya para sa mananatiling guests at makakalabas ng lungsod matapos ang pitong araw na risk assessment
Kahapon lamang ay aabot sa 483 kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod.