800,000 bagong graduates, hirap na makahanap ng trabaho bunsod ng quarantine restrictions – DOLE

Aabot sa 800,000 fresh graduates ang hirap pa ring makasali sa labor force ngayong taon.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), bumaba ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa 33.7 million nitong April 2020 mula sa 41.7 million noong April 2019.

Paliwanag ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, hirap silang makapasok sa labor force bunsod ng ipinapatupad na quarantine restrictions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Aminado si Tutay na mahirap makahanap ng trabaho sa kasalukuyan lalo na at nakakatanggap lamang sila ng nasa 10,000 job vacancies mula sa mga kumpanya sa kabila ng milyon-milyong Pilipinong walang trabaho.

Gayumpaman, maaaring gamitin ng bagong graduates ang kanilang pagiging “tech savvy” bilang advantage dahil maraming digital careers ang alok ngayon.

Facebook Comments