Validity ng rapid pass, pinalawig hanggang katapusan ng taon

Pinalawig hanggang sa katapusan ng taon ang validity ng lahat ng RapidPass QR Codes na inisyu sa lahat ng frontline workers.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang mga RapidPass na may expiration date na June 30, 2020 ay maaaring gamitin hanggang December 31, 2020 maliban na lamang kung babawiin nang maaga ng Inter-Agency Task Force (IATF) o iba pang kaukulang ahensya.

Ang extension ay awtomatikong ma-aapply sa lahat ng RapidPass Users na nakatanggap ng text message o email notification.


Sa ilalim ng RapidPass system, mabilis na nakakadaan ang mga frontline workers sa government checkpoints sa pamamagitan lamang ng pag-scan sa kanilang QR Codes.

Facebook Comments