80TH Founding Anniversary at 30th Kalilangan Festival ng Gensan umarangkada na ngayong araw

General Santos City–Umarangkada na ngayong araw ang 80th Founding Anniversary ng Gensan at 30th kalilangan Festival.

Sinimulan ang programa sa Parada ng Lahi na dinaluhan ng mga Opisyal ng lunsod, mga empleyado at mga guro sa lahat nga mga paaralan ng Gensan at iba pang sektor.

Pagkatapos ng Parada may programang isinagawa sa harap mismo ng bantayog ni General Paulino Santos na matatagpuan sa Plaza Heneral Santos kung saan nag sagawa din ng Wreath Laying ceremony at 21 gun salute bilang pagsaludo kay Gen. Santos na syang Pioneer ng Gensan.


Mamayang gabi gaganapin ang grand opening ng selebrasyon na dadaluhan naman ng mga opisyal nitong lunsod, mamamayan ng Gensan at mga bisitang galing pa ng ibat-ibang lugar sa bansa.

Ang kalilangan festival ay isa sa mga inaabangang festival ng Gensan dahil dinadayo ito ng mga turista dahil highlight nito ay ang kultura ng Gensan.

Samantala mas pinaigting naman ng PNP at ng AFP ang seguridad sa buong lunsod lalo na sa event area para masiguro ang kaligtahan ng mga mamamayang makisaya sa limang araw na selebrasyon ng kalilangan festival.

Facebook Comments