81 na Pares, Sabay-sabay na Ikinasal sa Kasalang Bayan!

*Cauayan City, Isabela- *Pinasaya ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang 81 na pares na mga bagong kasal matapos akuin lahat ang mga gastos at gamit ng mga ikinasal sa Kasalang Bayan ng Lungsod ng Cauayan na isinagawa sa F.L Dy Coliseum.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, pinangunahan ni City Mayor Bernard Dy ang naturang kasalan kasama ang mga Sangguniang Panlungsod Member ng Cauayan na nagsilbing ninong at ninang ng mga ikinasal ngayong araw.

Ito ay bahagi pa rin sa programa ng LGU Cauayan na hatid sa mga Cauayeño ngayong buwan ng Pebrero.


Samantala, nakatakda namang maglagay ng Freedom Wall sa Pebrero 14, 2019 ang tanggapan ng City hall sa harap nito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng naturang tanggapan na isulat ang kanilang mga nais na mensahe.

Facebook Comments