Babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis sa MRT-3, kinasuhan na!

243

Pormal nang kinasuhan ni PO1 William Cristobal ang babaeng Chinese na nagsaboy sa kanya ng taho sa MRT-Boni Station.

Kabilang sa mga reklamong isinampa kay Jiale Zhang ay unjust vexation, disobedience to an agent of person in authority at direct assault.

Bukod dito, pinag-aaralan din ng PNP ang posibleng pagpapa-deport sa dayuhan.

Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senador Bam Aquino na malinaw na pambabastos ang ginawa ni Zhang.

Dagdag pa ni Aquino – pwede nilang imbestigahan sa Senado ang nangyari pero posibleng sa Mayo na ito maisalang.

Bukod sa naka-recess na ang Kongreso noong nakaraang linggo, simula na rin kasi aniya ng campaign period.

Facebook Comments