81 tons ng mga high quality potato seed galing Canada, ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Cordillera

Pormal nang naipasakamay sa mga potato farmers sa Cordillera ang nasa 81 tonelada ng matatas na kalidad ng binhi ng patatas galing ng Canada.

Maliban sa binhi, binigyan din ang mga potato farmers ng mga imported planting materials.

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng public-private partnership ng Department of Agriculture (DA) at ng Universal Robina Corporation (URC).


Magkatuwang ang DA at URC sa pagpapaunlad sa potato farming sa pamamagitan ng pagbubukas ng access sa farm inputs, training at oportunidad sa merkado.

Dahil dito, asahan na mapapataas ng hanggang 20-metric tons per hectare ang ani ng mga potato farmers.

Maliban sa Cordillera farmers, makakatanggap din ng imported planting materials ang mga magsasaka sa Talakag, Bukidnon at Davao del Sur.

Facebook Comments