Lalaki, Patay nang Banggain habang Naglalakad sa Kalsada!

*Ramon, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki matapos mabangga ng sasakyan pasado alas kwatro kaninang madaling araw sa pambansang lansangan ng Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Leon Changwayan Jr., 33 anyos, residente ng Talite, Aguinaldo, Ifugao habang ang suspek at driver ng Toyota Fortuner ay si Marc Bryan Catacutan, 34 anyos, may asawa at residente ng Zone 1 Brgy. Tuliao, Santa Barbara, Pangasinan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa nasabing lansangan nang bigla itong banggain ng sasakyan na minamaneho ng suspek patungong North direction.


Nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang biktima at naisugod pa ito ng rumespondeng Rescue 316 sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival.

Kusa namang sumuko sa mga pulis ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments