Cauayan City, Isabela- Walumpu’t isang benepisyaryo mula sa Cabarroguis, Quirino ang nakatanggap ng kanilang sahod mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE.
Kabuuang P499,550 ang halagang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng naturang programa.
Ang mga benepisyaryo ng community work sa loob ng labinlimang (15) araw ay nakatanggap ng P370 sahod kada araw.
Dinaluhan naman ni DOLE Regional Director Joel M. Gonzales, DOLE-Quirino Field Office (QFO) Head Laura B. Diciano and Executive Assistant V Ma. Annie Lynne Mondoñedo, Mayor Willard V. Abuan ng Cabarroguis ang nasabing pamamahagi ng sahod sa TUPAD beneficiaries.
Facebook Comments