81,000 pamilya, nananatili pa rin sa mga evacuation centers matapos ang epekto ng Bagyong Odette

Aabot pa sa 311,800 katao o katumbas ng 81,000 pamilya ang nananatili sa 1,183 evacuation centers sa sampung rehiyon sa bansa.

Kasunod ito ng paghagupit ng Bagyong Odette na nagresulta ng pagkasawi ng halos 400 katao.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 65,352 pamilya o 211,155 indibidwal ang naninirahan sa kanilang kaanak.


Nasa 405,208 ang napinsalang bahay dahil sa bagyong Odette.

Ang mga apektadong rehiyon ay ang; Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Caraga.

Nilinaw naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa evacuation centers.

Pero sa kabila nito, tiniyak ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na patuloy pa rin ang kanila paalala sa mga LGU na sundin ang ipinapatupad na health protocols.

Sa Bohol umakyat na sa 108 ang nasawi dahil sa bagyo, kung saan karamihan ay nagmumula sa ikalawang distrito ng Bohol na Talibon at Ubay na nasa 28 kada isa.

Facebook Comments