NORTH YOKRSHIRE, UK – Patay ang isang 82-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang 78-anyos na asawa matapos atakihin ng isang langkay ng baka noong Sabado.
Sa report ng North Yorkshire Police, naglalakad lamang noon ang mag-asawa sa Ivescar field, malapit sa Ingleton nang mangyari ang insidente.
Idineklarang dead at the scene ang biktima samantalang isinugod naman sa ospital ang kanyang misis para gamutin ang mga tinamong sugat.
Pagdating daw ng ambulansya ay patay na nilang naabutan ang matanda.
Samantala, dahil sa nangyari ay nagbigay ng paalala ang Ramblers association para sa mga naglalakad sa lugar ng mga baka.
Dapat daw ay parating alerto ang lahat nang nagpupunta sa bukid.
“Look out for any animals and watch how they are behaving, particularly bulls or cows with calves.”
“Try to avoid getting between cows and their calves Be prepared for cattle to react to your presence, especially if you have a dog with you.”
“Move quickly and quietly, and if possible walk around the herd Keep your dog close, on a short lead, and under effective control.”
“Remember to close gates behind you when walking through fields containing livestock.”
Kung sakali raw na may mangyaring anumang insidente, agad ipagbigay-alam sa kinauukulan.
Narito pa ang kanilang ilang paalala.
- Report any frightening incidents or attacks to the landowner, the highway authority, the Health & Safety Executive (HSE), and also the police if it’s of a serious nature.
- Don’t hang onto your dog if you are threatened by cattle – let it go as the cattle will chase the dog and not you.
- Don’t put yourself at risk by walking close to cattle Don’t panic or run – most cattle will stop before they reach you; if they follow just walk on quietly.
Babala pa nila, kapag hinarangan ng mga baka ang kanilang dadaanan ay agad umanong humanap ng ibang ruta.