Pulis, nakuhanan ng video na inubuhan ang isang grupo ng kalalakihan sa US

981

Iniimbestigahan ng New York Police Department ang kumakalat na video ng pag-ubo ng isang officer sa harap ng ilang kalalakihan sa Bronx.

Sa clip na ibinahagi sa Instagram noong Huwebes, makikita ang isang nakasibilyang pulis na sinadyang ubuhan nang dalawang beses at nang walang takip sa bibig ang kausap na lalaki.


“Oh my God, you on camera. We caught that!” maririnig na sinabi ng kumukuha ng video.

“Yo, what’s your name, what’s your badge number? You can get fired for that,” tanong pa nito.

Hindi naman malinaw kung ano ang isinagot ng pulis habang papalayo na sa grupo.

Ayon sa isang police source ng New York Post, nilapitan ng awtoridad ang grupo matapos mamataang nag-iinuman at naninigarilyo sa tabing kalsada.




Nagkainitan umano nang magsimulang magmura ang mga lalaki.

“We are aware of the video and the incident is under internal review,” pahayag ng tagapagsalita ng NYPD.

Isa ang pag-ubo sa pangunahing dahilan ng pagkalat ng novel coronavirus ngayong pandemya.

Facebook Comments