Nadagdagan ng 82 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Taguig.
Ito ay batay sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit ngayong umaga.
Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Barangay Bagumbayan at Western Bicutan na mayroong 12.
Sinundan ito ng Barangay Tuktukan na mayroong pitong bagong kaso at Barangay Ligid-Tipas, Napindan, Palingon at Upper Bicutan na may tig-anim.
Tig-lima naman sa Barangay Katuparan at New Lower Bicutan at tig-tatlo sa Sta. Ana at Ususan.
Tigda-dalawang kaso naman ang naitala sa Barangay Bambang, Lower Bicutan at South Signal habang tig-isang kaso sa Barangay Calzada, Hagonoy, Wawa, Maharlika at Pinagsama.
Ngayong araw, umabot na sa 4,611 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod kung saan 3,958 sa kanila ang gumaling na at 44 ang nasawi.