Mahigit P270-K na halaga ng shabu, nasabat sa Marikina City; Suspek na kasama sa drug watchlist, arestado

51

Nasa P272,000 halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation sa Ephesians Street, Barangay Concepcion Uno, Marikina City, pasado alas-6:30 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Rolando Enriquez Toralba Jr., alyas ‘Tulok’, 39-anyos na taga-Barangay Parang, Marikina City.

Nakuha mula sa kanya ang 40 gramo ng iligal na droga at motorsiklong ginamit ng suspek sa pag-deliver ng shabu.

Nakakulong na ang suspek sa Marikina PNP Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments