82% ng mga Pinoy naniniwalang dapat ipaglaban ng pamahalaan ng Pilipinas ang karapatan nito sa mga isla sa West Philippine Sea

Lumalabas na mayorya sa mga Pilipino ang naniniwalang dapat ipaglaban ng pamahalaan ng Pilipinas ang karapatan nito sa mga isla sa West Philippine Sea.

Sa isinagawang Social Weather Station (SWS) 2020 Survey Review, lumalabas na 59% ang lubos na sumasangayon, 28% ang Medyo sumasang-ayon, 9% naman ang hindi tiyak kung sumasang-ayon o hindi, 3% medyo hindi sumasangayon habang 2% lamang ang lubos na hindi sumasangayon.

Inihayag naman ng SWS na nasa 67% ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat hulihin at panagutin ng pamahalaan ang mga mangingisdang Tsino na sumisira sa yamang dagat sa West Philippine Sea.


Patuloy rin umanong tumataas ang porsyento ng mga Pilipinong nais maibalik sa kontrol ng Pilipinas ang mga islang kasalukuyang inookupa ng China sa West Philippine Sea na kasalukuyang nasa 74%.

Nasa 89% naman ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi dapat hayaan ang China sa patuloy na pagpapatayo ng mga imprastraktura at militarisasyon sa mga teritoryo ng bansang Pilipinas.

92% naman ng mga Pilipino ang nais mapalakas ang kapasidad ng militar ng Pilipinas partikular na ang Navy.

Isinagawa ang mga surveys ng SWS Mula March 28 hanggang December 16, 2019.

Facebook Comments