Babae sa Shanghai, nagtago sa trunk ng kotse upang iwasang ma-quarantine

272
Inspeksyon sa bawat napasok na kotse sa Shanghai. PHOTO by Gao Erqiang/ChinaDaily

SHANGHAI, China — Isang babae ang nahuling nagtatago sa likuran ng kotse sa isang entry point sa Shanghai, umaga noong Pebrero 11, ayon sa Weibo post ng awtoridad.

Ayon sa pulisya, nagtatrabaho sa Shanghai ang hindi pinangalanang babae na nanggaling sa kanilang probinsya na nasa epicenter ng novel coronavirus pneumonia oubreak para sa Spring Festival noong Enero 22.


Mahigpit ang isinasagawang inspeksyon sa bawat sasakyang pumapasok sa nasabing lugar bilang bahagi ng pag-iingat sa lalong pagkalat ng COVID-19.

Upang makaiwas sa sapilitang 14-day quarantine sa Shanghai, nagtangka ang babae na iwasan ang inspeksyon sa pagtatago sa trunk ng kotse ng kanyang kaibigan.

Nakitaan naman ng normal na temperatura ang babae at ang drayber ng sasakyan na parehong isinailalim sa compulsary isolation.

Facebook Comments