83-anyos na ‘Tinder Granny’, handa na sa ‘true love’ matapos ang ilang dekadang pakikipag-one-night stand

(Marcus Cooper / Barcroft Media)

Handa na raw ang isang 83-anyos na lola mula New York na hanapin ang kanyang true love matapos ang ilang dekadang pakikipag-one-night stand sa mga kalalakihan mula sa dating app na Tinder.

Ayon kay Hattie Wiener, nais na raw niyang makita at makasama ang kanyang tunay na magiging partner sa buhay.

“I really want one man,” aniya sa isang panayam sa Barcroft TV.


Napag-alaman na ilang taon na sinubukang maghanap ng makakasama si Wiener sa Tinder app ngunit parati raw itong nauuwi sa ‘one-night stand’.

“I didn’t want to get a man on a dating site, but then I kept hearing people get men and lifemates and marriage partners and everything — that it could get serious — so I figured, Let me give it a try,” kwento niya.

Base sa kanyang karagdagang salaysay, 50-anyos siya nang makipag-divorce sa asawa at dito niya umano naisipang maghanap ng mas nakababatang lalaki.

Sabi niya, 35 taon daw siyang naghahanap at nakikipag-date sa mga lalaking mas bata sa kanya.

Ibinahagi rin ni Wiener na nasa 53-taong gulang siya noong naglalakad siya sa isang department store nang may isang lalaking sinabihan niya ng, “Man, those shoes are gorgeous,” at bigla naman daw itong sumagot ng, “You’re gorgeous!”

Umabot na rin daw sa pagkakataong mayroon siyang naka-date na 29-anyos at 25-anyos na kalalakihan sa isang Midtown hotel swimming pool.

Maging ang isang 18-anyos na lalaki ay naakit niya na rin umano.

“Now, I was not visualizing myself as just a one-night stand, but I ended up that way by default,” sabi niya.

Ngayon daw ay nasa punto na siya ng buhay na gusto ng makilala ang lalaking para talaga sa kanya.

Ibinahagi niya rin ang aral na nakuha niya umano sa kanyang karanasan.

“I did find that all of them were good experiences, different. What I learned is that men are people instead of potential hard d–ks or orgasm givers or G spot geniuses,” saad niya.

Facebook Comments