Halos 83% ng mga sumailalim sa COVID-19 test ang nagnegatibo sa sakit.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabuuang 22,958 tests ang kanilang isinagawa sa bansa at 16,615 rito ang nagnegatibo.
Aniya, kasama na rin sa bilang ang mga indibidwal na muling sumailalim sa COVID-19 test.
Paliwanag ni Vergeire, nahirapan sila sa pagtukoy ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil na rin sa nagkaroon ng backlog ng mga resulta.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi ito indikasyon para masabi kung bumababa o tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kaya pinayagan na nila ang walong laboratoryo para sa independent testing.
Kailangan pa kasi, aniyang, maghintay ng kaunting panahon para maging stable ang laboratory capacities sa bansa para matukoy ang totoong COVID-19 trend sa bansa.