Nakararaming tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nakahandang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y batay sa resulta ng exit poll sa mga opisyal at personnel ng naturang mga ahensya sa Luzon area.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na mas higit na madaling makukumbinsi ang publiko sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine kung mismong mga taga- BFP at BJMP ang mangunguna rito.
Umaasa ang DILG na malaki ang bahagi ng mga bombero at jail officers sa ikatatagumpay ng kampanya ng gobyerno para mabakunahan ang 75-milyong adult Filipinos sa buong bansa.
Batay sa January findings ng UP Octa Research Group, lumilitaw na 24% hanggang 40% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna dahil sa pagdududa sa efficacy at safety ng mga vaccine.
Tiniyak naman ni Malaya na safe at effective ang mga bakuna dahil sasailalim ito sa pag-apruba ng Food and Drugs Authority.